CA nagpalabas ng freeze order sa mga ari-arian ng umano’y bigtime druglord sa Central Visayas

Nagpalabas ang Court of Appeals ng freeze order sa mga bank account at mga real property ng isa sa sinasabing drug lord ng Central Visayas na si Franz Sabalones.

Sa kautusan ng CA 8th Division, sakop ng freeze order ang tatlong bank account ni Sabalones  partikular ang sa BDO at Wealth Bank.

Dahil sa freeze order hindi papayagan ang anumang uri ng transaksyon  sa nasabing mga bank account.

Tatagal ang freeze order ng anim na buwan.

Kasama ring pinigil ng CA ang anim na property ni Sabalones kabilang ang apat na lupain sa San Fernando, Cebu; isang property sa Carcar City, Cebu at isa sa Cebu City.

Ang kautusan ng appellate court ay bunsod ng petisyon ng Anti-Money Laundering Council dahil sa kanilang paniniwala na kunektado ang mga nasabing account at property sa drug trafficking activity ni Sabalones.

Ulat ni : Moira Encina

 

 

Please follow and like us: