CALABARZON, muling nakapagtala ng mahigit 1,000 bagong kaso ng COVID-19

Umakyat na sa halos 15,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa CALABARZON.

Sa pinakahuling datos ng DOH Center for Health Development – CALABARZON, kabuuang 14,879 active cases ang naitala sa rehiyon matapos madagdagan ng 1,302 bagong kaso ng virus habang may bagong recoveries na 591.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 217,535 ang kumpirmadong nahawahan ng COVID sa Region IV-A pero gumaling mula sa sakit ang 196,105 pasyente.

Nakapagtala naman ng 54 na bagong pumanaw na COVID patients kaya 6,551 na ang namatay dahil sa virus sa CALABARZON.

Moira Encina

Please follow and like us: