Calamba City Hall, sarado sa publiko para sa disinfection

Sarado muna sa publiko mula ngayong araw, October 2, ang Calamba City Hall. 


Ito ay para bigyang-daan ang isasagawang disinfection and sanitation procedure sa buong gusali at compound ng munisipyo. 

Nais din matiyak ng mga opisyal ng Calamba City Hall na mananatili pa rin itong ligtas sa panganib na dulot ng Covid 19. 


Magpapatuloy naman ang regular nitong operasyon at pagtanggap ng mga transaksyon ang Calamba City Hall, sa Lunes, Oct. 5, 2020. 

Jet Hilario

Please follow and like us: