Calamba City Vice Mayor Ross Rizal at tinaguriang pandemic hero Nancy Dimaranan, naghain na ng kanilang kandidatura

Photo: Vice Mayor Rizal official FB page / Calamba City Update

Pormal nang naghain ng kadidatura para sa pagka-alkalde ng Calamba si Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal, sa COMELEC Office sa Brgy. Halang, Calamba City, Laguna.

Ayon sa bise alkalde, alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kayang makaipagsabayan sa kaniyang mga makakatunggali, subalit ang tangi aniya niyang mapanghahawakan ay ang prinsipyo at ang malinis na hangarin na makapaglingkod sa bayang sinilangan ni Gat Jose Rizal.

Photo: Vice Mayor Rizal’s official FB page / Calamba City Update

Kasabay ni Vice Mayor Rizal na nag-file ng Certificate of Candidacy ang tinaguriang Pandemic Hero ng Calamba na si Ms. Nancy Dimaranan, na nag-file naman ng kaniyang kandidatura bilang konsehala ng Calamba City.

Ayon kay Dimaranan, tatakbo siya bilang konsehala ng lungsod upang mas higit pang makita ang mga kakulangan sa pangangangailangan ng kaniyang mga kababayan, at mabigyan ito ng karampatang aksyon para sa kapakanan ng mga taga calamba.

Please follow and like us: