Calamba Doctors Hospital sa Laguna, hindi muna tatanggap ng mga Covid 19 patient.

Hindi na muna tatanggap ng Covid 19 patient ang Calamba Doctors Hospital sa Laguna.

Ito ay dahil sa umabot na sa maximum bed capacity ang kanilang ospital para sa mga pasiyenteng tinamaan ng virus.

Malapit na rin aniyang mapuno ang kanilang emergency room dahil sa marami pang mga pasiyente ang kasalukuyang hinihintay na ma-admit sa nasabing ospital.

Sa mga pasyente namang may COVID 19 related conditions, pinapayuhan ang mga ito ng pamunuan ospital na magtungo muna sa ibang ospital hanggang sa maaari na silang tumanggap muli ng Covid 19 patient.

Calamba Doctors Hospital sa Laguna

Tiniyak din ng pamunuan ng ospital na mananatiling bukas ang kanilang outpatient at inpatient services para sa mga non-covid 19 related cases.

Please follow and like us: