Calatagan , Batangas niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Calatagan , Batangas.

Ayon sa Philippine institute of volcanology and seismology, naitala ang lindol kaninang 10:16 ng umaga.

Natukoy ang  lindol sa  18 kilometro  sa timog kanluran ng Calatagan.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na  95 kilometers.

Naitala naman ang intensity 1  sa Puerto Galera , Oriental Mindoro.

Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang lindol.

Please follow and like us: