Calbiga, Samar RTC Branch 33 sarado hanggang sa October 20 dahil sa kumpirmadong kaso ng Covid-19

Pisikal na sarado hanggang sa October 20, 2020 ang Calbiga, Samar Regional Trial Court Branch 33 matapos magpositibo sa Covid-19 ang isang kawani.

Lumabas ang resulta ng swab test ng nasabing empleyado noong October 5 na kinumpirma ng Rural Health Unit ng Calbiga at ng mismomg staff.

Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Judge Janet Cabalona na isailalim sa disinfection ang korte bago ito muling buksan sa October 21.

Inatasan din ang lahat ng court personnel na mahigpit na sundin ang 14-day home quarantine at i-monitor ang lagay ng kanilang kalusugan.

Work from home muna ang mga court staff habang naka-lockdown ang hukuman.

Moira Encina

Please follow and like us: