Camille Villar, naiproklama na ng Comelec Board Of Canvassers ng Las Piñas City bilang miyembro ng House Of Representatives

Ala-5:00 ng umaga ngayong Martes, Mayo 10, 2022 nang dumating si Camille Villar sa session hall ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas.

Kaugnay ito ng kaniyang proklamasyon bilang miyembro ng House of Representative makaraang makakuha ng botong 130, 812 at magwagi sa halalan.

Labis namang pinasalamatan ni Villar ang mga suporta sa kaniyang kandidatura at mga opisyal ng Board of Canvassers nang itaas ang kaniyang mga kamay bilang hudyat ng pagiging opisyal niyang miyembro ng kamara.

Report ni George Gonzaga

Please follow and like us: