Campaign period sa Barangay at SK elections sa Marawi, simula na ngayong araw

Simula na ngayong araw ang campaign period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Marawi city.

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na mayroong walong araw o hanggang September 20 ang mga kandidato para mangampanya.

Sa September 22 na magaganap ang halalan sa lungsod.

Ang kabuuang bilang ng balotang gagamitin sa eleksyon ay 79,289.

Isang Barangay chairman, pitong kagawad, isang SK Chairman at pitong SK kagawad ang ihahalal.

Nagsimula na ang Election period noong August 17 at magtatapos sa September 29.

Magugunitang sa Marawi city lamang hindi nakapagdaos ng halalan noong May 14 dahil sa gulong idinulot ng ISIS inspired Maute Terror group sa lungsod.

 

==========

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *