Capt. Nicanor Faeldon, mananatili sa kustodiya ng Senado kahit nagsalita na sa isyu ng Smuggling

 

Mananatili pa rin sa kustodiya ng Senado si Captain Nicanor Faeldon kahit pa nagsalita na ito sa isyu ng smuggling ng shabu sa Bureau of Customs.

Inamin ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue ribbon committee na nag-lobby na si Presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo para hilingin na palayin ng senado si Faeldon para magampanan ang kanyang tungkulin.

Pero ayon kay Gordon, wala siyang magagawa kundi ipa-contempt muli si Faeldon dahil sa pagiging arogante at at pambabastos sa institusyon.

Pinaiimbestigahan na rin ng Senado ang report kung totoong ibinasura na ng Department of Justice o DOJ ang kaso laban dito.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *