Carmona Cavite LGU nakapagtala na ng mahigit isang libong indibidwal na nabakunahan na ng Covid 19 Vaccine


Nasa 1,959 indibidwal na ang nabakunahan ng Covid 19 Vaccine sa Carmona Cavite. 


1,088 sa mga ito ay mga health care worker habang ang 871 naman ay mga person’s with comorbidity. 


Patuloy naman ang panawagan ng mga opisyal ng Carmona Cavite LGU sa publiko na suportahan ang Vaccination rollout program ng pamahalaan laban sa Covid 19.


Pagtitiyak pa ng mga opisyal na ligtas at epektibo ang bakunang inilaan ng pamahalaan para sa mamamayang pilipino para mapigilan ang pagkalat ng Covid 19 sa bansa.

Please follow and like us: