Carmona, Cavite-LGU, patuloy ang paghahanda para sa pagbubukas ng klase

Patuloy ang paghahandang ginagawa ng LGU-Carmona para sa pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan sa August 24.

Dahil dito, nagkaloob ng 6 na unit na Risograph machine at mga bond papers ang Carmona Municipal Government sa ilang mga pampublikong paaralan sa naturang bayan.
Kabilang sa mga public schools na nakatanggap ng mga school item ay ang Carmona National High-school at Angle Levardo Loyola Senior High School kasama na ang apat pang mga Public Elementary schools.
Ang mga naturang kagamitang ibinigay ng Carmona LGU ay gagamitin para sa mass production ng mga learning materials para sa mga estudyante at mag-aaral na isa sa mga learning strategy na gagamitin ngayong panahon ng pandemya.
Ulat ni Jet Hilario
Please follow and like us: