Ceasefire accord inaprubahan na ng Israel, magkakabisa sa Linggo

Mourners react near the bodies of Palestinians killed in Israeli airstrikes, amid the Israel-Hamas conflict, at Nasser hospital in Khan Younis, southern Gaza Strip, January 17, 2025. REUTERS/Hatem Khaled

Inihayag ng tanggapan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na inaprubahan na ng gabinete ng Israel ngayong Sabado, ang isang kasunduan sa Palestinian militant group na Hamas para sa tigil-putukan at pagpapalaya ng mga hostage sa Gaza Strip, isang araw bago ang nakatakdang pagsisimula ng kasunduan.

Nitong Sabado ng umaga, matapos ang mahigit sa anim na oras na pagpupulong, ay niratipikahan na ng gobyerno ang kasunduan.

Ayon sa pahayag mula sa tanggapan ni Netanyahu, “The Government has approved the framework for the return of the hostages. The framework for the hostages’ release will come into effect on Sunday.”

Images of Israeli hostages, who were kidnapped during the deadly October 7, 2023 attack by Hamas, hang from a tree at Hostages Square in Tel Aviv, Israel, January 17, 2025. REUTERS/Amir Cohen

Pagkatapos ng pag-apruba ng gabinete ng Israel, sinabi ng U.S. lead negotiator na si Brett McGurk, “the plan was moving forward on track.”

Ang tigil-putukan ay magkakabisa ng 0630 GMT (7.30pm NZT) bukas, Linggo, ayon sa post ng tagapagsalita ng Qatari foreign ministry. Inaasahan ng White House na ang tatlong babaeng hostage ay ilalabas sa Israel sa hapon sa pamamagitan ng Red Cross.

Sa ilalim ng kasunduan, ang tatlong yugto ng tigil-putukan ay magsisimula sa isang paunang anim na linggong yugto kapag ang mga bihag na hawak ng Hamas ay ipapalit sa mga bilanggo at detenidong nakakulong sa Israel.

A Palestinian man inspects the damage to a tent for displaced people, after an Israeli airstrike, amid the conflict between Israel and Hamas, in Khan Younis, southern Gaza Strip, January 17, 2025. REUTERS/Hatem Khaled

Tatlumpu’t tatlo sa 98 natitirang mga bihag ng Israel, kabilang ang mga kababaihan, mga bata, mga lalaki na higit sa 50 at mga may sakit at nasugatan na mga bihag, ay dapat palayain sa yugtong ito. Bilang kapalit, palalayain ng Israel ang halos 2000 Palestinian mula na nakakulong sa kanila.

Kabilang sa mga ito ang 737 lalaki, babae at teenager na mga bilanggo, na ang ilan ay miyembro ng Palestinian militant groups na nahatulan sa mga pag-atake na pumatay sa dose-dosenang Israelis, pati na rin ang daan-daang Palestinian mula sa Gaza na nakakulong mula noong simula ng digmaan.

Inilathala ng Justice Ministry ng Israel ang kanilang mga detalye nitong Sabado, kasama ang kasunduan sa tigil-putukan, na nagsasabing 30 bilanggo ng Palestinian ang pakakawalan para sa bawat babaeng bihag sa Linggo.

Sinabi ni McGurk, “After Sunday’s hostage release, the accord calls for four more female hostages to be released after seven days, followed by the release of three further hostages every seven days thereafter.”

A boy looks on near the bodies of Palestinians killed in Israeli airstrikes, amid the Israel-Hamas conflict, at Nasser hospital in Khan Younis, southern Gaza Strip, January 17, 2025. REUTERS/Hatem Khaled

Ayon sa mga ulat ng Israeli media, 24 na ministro sa koalisyon ng gobyerno ni Netanyahu ang bumoto pabor sa deal habang walo ang sumalungat dito.

Sinabi ng Gaza authorities, na ang digmaan sa pagitan ng mga pwersa ng Israel at Hamas ay sumira sa malaking bahagi ng urbanisadong Gaza, pumatay ng higit sa 46,000 katao at nagpalikas sa karamihan ng populasyon.

Kung magtatagumpay, ang tigil-putukan ay maaaring magpagaan ng giyera sa ibang lugar sa Gitnang Silangan, kung saan lumaganap ang labanan kung saan sumama na ang Iran at ang mga proxies nito. Ang Hezbollah ng Lebanon, Houthis ng Yemen at mga armadong grupo sa Iraq, gayundin ang occupied West Bank.

Ang kasunduan sa tigil-putukan ay humihiling ng pagtaas ng tulong, at ang mga internasyonal na organisasyon ay may mga trak ng tulong na nakahanay sa mga hangganan ng Gaza upang magdala ng pagkain, gasolina, gamot at iba pang mahahalagang suplay.

Ayon sa Palestinian relief agency na UNRWA, mayroon silang 4000 trak na puno ng ayuda, na ang kalahati ay mga pagkain, na handa nang pumasok sa coastal strip.

Umaasa ang mga Palestino na naghihintay ng pagkain sa southern Gaza Strip, na ang kasunduan ay mangangahulugan na matatapso na ang mahabang oras nang pagpila para lamang sa isang pinggang pagkain.

Sinabi ng isa s ana-dispklace na Palestinian na si Reeham Sheikh Al-Eid, “I hope it will happen so we’ll be able to cook in our homes and make whatever food we want, without having to go to soup kitchens and exhaust ourselves for three or four hours trying to get (food) – sometimes not even making it home.”

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *