Centenarian na lola sa Imus, Cavite, binigyang pagkilala

Ginawaran ng pagkilala ang pinakamatandang nabubuhay na lola sa Imus, Cavite.

Kasabay ng kaniyang kaarawan kahapon, October 7, pinagkalooban ng 100,000 piso ng Pamahalaang Panglunsod ng Imus si Atty. Aurora “Auring” Sayoc-Abella dahil sa pagiging isang Centenarian.

Si Lola Auring ay nagsilbing Konsehal ng Imus.

Ang 100,000 pisong cheke ay personal na inabot sa kaniya ni Mayor Emmanuel Maliksi.

Jet Hilario

Please follow and like us: