Ceremonial Signing ni Pangulong Duterte sa 2019 National Budget sa Lunes, hindi na tuloy – Malacañang

Hindi na matutuloy ang itinakdang ceremonial signing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget sa Malacanang sa Lunes April 15, 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panel,o tinanggal sa calendar of activities ni Pangulong Duterte ang ceremonial signing ng national budget.

Hindi naman nagpaliwanag si Panelo sa pagkakansela ng ceremonial signing at sinabing pinag-aaralan pa ng Pangulo ang national budget.

Ayon kay Panelo posibleng  malagdaan ng Pangulo ang pambansang pondo pagkatapos na ng summer vacation.

Gayunman niliwanag ni Panelo subject to change o maaaring magbago ang schedule ng Pangulo anumang oras.

Matatandaang matagal ng inaantabayanan na ang paglagda ni Pangulong Duterte sa 3.757 trillion pesos na national budget dahil hanggang ngayon ay gumalagaw ang gobyerno sa ilalim ng re-enacted budget kung saan walang  pondong nailalaan sa mga bagong prokyeto at programa ng pamahalaan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *