Change of command sa liderato ng PSG, pinangunahan ni Pangulong Duterte

Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasalin ng liderato ng Presidential security group o PSG sa Malacañang park.

Ipinasa na ni outgoing PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy ang liderato kay bagong talagang PSG Commander Col. Jose Eriel Niembra.

Si General Dagoy na kabilang sa PMA Class ’87 ay inilipat ng Pangulo bilang bagong Commanding General ng 802nd brigade na nakabase sa Leyte.

Si Col. Niembra naman ay kabilang sa PMA Class ’91 at anim na taong nanungkulan sa Task Force Davao.

Pangatlong PSG Commander si Colonel Niembra sa ilalim ng Duterte Administration.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *