Chief Inspector Jovie Espenido itinalaga ni Pangulong Duterte na bagong Chief of Police ng Iloilo

Binigyan ng bagong assignment si Ozamis City Chief of Police Chief Inspector Jovie Espenido.

Sa kanyang pagsasalita sa pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libangan ng mga Bayani kung saan tumanggap din ng award si Chief Inspector Espenido inanunsyo ng Pangulo ang pagtatalaga rito bilang bagong hepe ng Iloilo na ang Mayor ay si Jed Patrick Mabilog na nasa Narco list ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo bilib siya sa kakayanan ni Espenido sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Magugunitang si Espenido ang Chief of Police ng Albuera Leyte ng mahuli at mapatay ang Mayor doon na si Rolando Espinoza na sinasabing isang drug protector at ng malipat sa Ozamis City bilang Chief of Police ay napatay din sa isang police operation ang Mayor na si Reynaldo Parojinog.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *