Chief Justice Diosdado Peralta, gagawaran ng Honorary Doctorate degree ng TSU

Pagkakalooban ng Tarlac State University si Chief Justice Diosdado Peralta ng Honorary Doctorate degree.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information Office, sinabi na gaganapin ang conferment ng Doctor of Laws, Honoris Causa kay Peralta sa Pebrero 19 sa ganap na 8:30 ng umaga sa Bulwagang Kanlahi sa San Vicente City, Tarlac City.

Pewedeng mapanood ng live ang programa sa Youtube channel ng SC PIO.

Kailangan naman na makapagpakita ng medical certificate na nagsasabing hindi sila suspect o probable COVID-19 case ang media na magku-cover para sila ay makabyahe sa Tarlac at makapasok sa Bulwagang Kanlahi.

Ang Doctor of Laws Honorary degree ay iginagawad sa mga public servants at abogado na nakapag-ambag sa Rule of Law, pamumuno, at pandaigdig na kamalayan.

Moira Encina

Please follow and like us: