Chief Justice Diosdado Peralta nagtalaga ng acting presiding judge sa Korte sa Jolo

Itinalaga ni Chief Justice Diosdado Peralta bilang acting presiding judge sa isang korte sa Jolo si Siasi, Sulu RTC Branch 25 Presiding Judge Alsad Hailil Alfad Jr.

Sa administrative order na pirmado ni Peralta, hinirang si Alfad bilang acting presiding judge ng Branch 3 ng Jolo, Sulu RTC at Branch 4 ng Parang, Sulu RTC.

Inatasan si Alfad na aksyunan ang lahat ng urgent matters sa mga nasabing hukuman bukod sa kanyang regular duties sa sarili niyang korte.

Epektibo kaagad ang appointment at magpapatuloy hanggang sa makabalik na ang mga presiding judges sa dalawang nabanggit na korte.

Ang kautusan ay inilabas ni Peralta matapos na ihayag ng DOJ na bigong makapagisyu ng warrant of arrest ang handling judge laban sa siyam na pulis na akusado sa pagpatay sa apat na sundalo dahil sa lockdown sa Sulu.

Pinalaya naman ng PNP ang mga nasabing pulis mula sa pagkakapiit dahil sa kawalan ng arrest warrant.

Moira Encina

Please follow and like us: