Chief Justice Diosdado Peralta nanawagan na imbestigahan ang tangkang pagpatay sa isang Camarines Sur judge at tauhan nito

Kinondena ni Chief Justice Diosdado Peralta ang tangkang pagpatay sa isang hukom sa Camarines Sur at sa tauhan nito.

Binaril ng mga salaring nakasakay sa motorsiklo sina Judge Jeaneth Gaminde-San Joaquin ng Libmanan, Camarines Sur at staff nito habang nasa loob ng sasakyan papuntang Naga City bandang ika-2:30 ng hapon ng Martes.

Hinimok ni Peralta ang mga otoridad na agad imbestigahan ang insidente at tiyaking madadakip ang mga nasa likod ng krimen.

Ayon kay Peralta, ang pag-atake sa mga hukom ay assault o paglaban din sa Rule of Law.

Iginiit ng punong mahistrado na walang puwang sa sibilisadong lipunan ang nangyaring ambush.

Nakaligtas naman pareho sa atake ang judge at staff na isinugod sa Libmanan District Hospital.

Moira Encina

Please follow and like us: