Chief Justice Gesmundo ipinaabot ang pakikiramay ng SC at hudikatura sa pamilya Aquino

Nakikiisa rin ang Korte Suprema at hudikatura sa buong sambayanan sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa statement, ipinaabot ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pakikiramay ng Supreme Court at hudikatura sa pamilya at mga mahal sa buhay ng dating presidente.

Ayon kay Gesmundo, maaalala si Aquino bilang lider na ginawa ang buo niyang makakaya para mapagsilbihan ang mga Pilipino nang may dedikasyon.

Sinabi ni Gesmundo na iniutos niya na ilagay sa half-mast ang mga watawat sa lahat ng courthouses sa buong bansa bilang pagkilala sa serbisyo ni Aquino sa sambayanang Pilipino.

Moira Encina

Please follow and like us: