Chinese Embassy magbibigay ng P10-M halaga ng relief goods sa mga naapektuhan ng lindol

Aabot sa P10-milyong halaga ng emergency supplies ang ipagkakaloob ng Chinese Embassy sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol.

Ayon sa Embahada ng Tsina, handa ang China na magbigay ng buong suporta at tulong sa disaster relief efforts ng Pilipinas.

Katuwang din ng embahada ang Philippines Chinese Chamber of Commerce & Industry, Inc. (PCCCII) sa pagbibigay ng assistance sa mga apektadong lugar.

May naihanda na rin na unang batch ng relief items ang Chinese Enterprises Philippines Association (CEPA) na nagkakahalaga P3.6 milyon.

Moira Encina

Please follow and like us: