Chinese national kidnap victim, nailigtas sa Parañaque city; 6 pang Chinese national, arestado

Nailigtas ng mga pulis ang isang 23-anyos na Chinese national na POGO worker na dinukot ng mga kababayan din niyang Chinese sa Parañaque city.

Ayon sa ulat ni NCRPO Regional Director Police Major General Vicente Danao Jr. kay PNP Chief, Police General Guillermo Eleazar, dinukot ng anim na suspect ang biktima sa Bradco Avenue corner Cuinco St, Aseana, Brgy. Tambo, Parañaque City at pilit na isinakay sa Toyota Hi Ace Super Grandia van.

Ang pagdukot ay nasaksihan ng isang hotel security personnel ay kaagad na tumawag ito ng tulong sa Sub station 2 ng Parañaque City Police Station at agad ding dumating ang mga rumespondeng pulis.

Nakilala ang 6 na arestadong Chinese nationals na sina Li Yang, Zhou Hao, Liu Jie Yong, Zhang Jia Hao, Qui You Bo at isang Nelson Frankie, isang Pinoy at driver ng mga Chinese.

Nasa kustodiya na ng Parañaque City Police Station ang mga suspect at nahaharap sa mga kaukulang kaso.

Please follow and like us: