CHR nais paimbestigahan ni Pangulong Duterte

Muling naglabas ng galit si Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Human Rights o CHR.

Sinabi ng Pangulo na nais niyang paimbestigahan ang CHR dahil sa laging pagkiling sa karapatan ng mga napapatay na kriminal.

Ayon sa Pangulo nais niyang malaman kung bakit napakaingay ng CHR sa mga napapatay na kriminal samantalang tahimik ito sa karapatan ng mga inosenteng sibilyan na biktima ng karumaldumal na krimen.

Hindi naman binaggit ng Pangulo kung anong investigation agency ang magsasagawa ng inbestigasyon sa CHR.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *