Chris Paul, lilipat na sa Phoenix Suns

LOS ANGELES, United States (AFP) — Nakatakda nang lumipat sa Phoenix Suns, ang ten-time All-Star na si Chris Paul mula dati niyang koponan na Oklahoma City Thunder, bilang bahagi ng isang blockbuster deal.

Ayon sa mga report, si Paul at ang team-mate nito na si Adel Nader ay lilipat sa Suns, kapalit naman nina Kelly Oubre, Ricky Rubio, Ty Jerome at Jalen Lecque na mapupunta sa Oklahoma.

Bukod dito, tatanggap din ang Oklahoma City ng isang 2022 first round draft pick bilang bahagi ng palitan, na senyales ng determinasyon ng Suns na pumasok sa playoff sa susunod na season.

Ang 35-anyos na si Paul, ay may natitira pang dalawang season sa koponan ng Oklahoma City matapos nitong mapabilang sa Thunder noong 2019, kasunod ng dalawang seasons sa Houston Rockets.

Bago ito, si Paul ay anim na taong naglaro sa koponan ng Los Angeles Clippers.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: