City Gov’t of Biñan Laguna binigyan ng pagkilala ng DILG bilang isa sa mga unang nakatapos ng distribusyon ng financial assistance sa buong region 4a

Tumanggap ng pagkilala ang Biñan City Laguna mula sa DILG dahil isa ang kanilang bayan sa mga unang nakatapos ng distribusyon ng financial assistance sa buong region 4a. 
Punasalamatan ni Biñan City Mayor Arman Dimaguila ang DILG sa ipinagkaloob na pagkilala para sa kanilang bayan.
Ayon sa alkalde, isa rin umano ang Biñan sa iilang LGU na nagbahagi ng ayuda sa pamamagitan ng house-to-house payout para mas mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga residente. 

Please follow and like us: