CJ Sereno, hindi apektado ng impeachment complaint na inihain sa Kamara laban sa kanya

Hindi apektado si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng inihaing impeachment complaint laban sa kanya.

Hindi rin natatakot si Sereno sa nasabing impeachment dahil hindi ito sangkot sa anomang anomalya.

Giit ni Sereno, isa siyang transparent na lider at lahat ng kanyang mga gastos sa mga trip ay naka-liquidate.

Matatandaang naghain ng impeachment complaint ang grupo ng Volunteer Against Crime and Corruption na pinangungunahan ni Atty. Ferdinand Topacio laban sa Chief Hustice.

Kabilang sa mga dahilan ay ang desisyon nitong magtayo ng decentralized office at muling pagbubukas ng Regional Court Administrative Office na walang pahintulot sa Supreme Court En Banc.

Gayundin ang pag-appoint nito kay Atty. Solomon Lumba bilang kanyang staff kahit na ito ay may hinahawakang ibang posisyon sa gobyerno.

Sa ngayon hindi pa umuusad ang nasabing impeachment compalint dahil wala pang Congressman ang nag-endorso nito sa Kamara.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *