Claimant ng 8.5 milyong halaga ng ecstasy arestado

Aabot sa P8.5 milyong pisong halaga ng Ecstasy ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Pampanga.

Para naman mahuli ang claimant nito, nagsagawa ng controlled delivery ang BOC katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency sa halos 5 libong piraso ng ecstacy na kilala bilang party drugs.

Ang hindi muna pinangalanang claimant naaresto sa Las Piñas City.

Ayon sa BOC, ang shipment ay mula sa Brussels, Belgium at idineklara bilang lampara.

Pero matapos ang eksaminasyon nakita na may mga laman pala itong iligal na droga.

Madz Moratillo

Please follow and like us: