Clean-up drive, isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Calumpit, Bulacan

Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa Calumpit, Bulacan, sa pangunguna ng SCAN International.

Ang “Clean-up Drive” ay isinagawa sa Brgy. Balungao na nakasasakop sa Munisipyo ng bayan ng Calumpit at iba pang Government facilities.

Bahagi ito ng pakikiisa ng INC sa kalinisan ng bayan upang maiwasan ang anumang mga sakit, lalo na at patuloy pang kumakalat ang COVID-19.

Ang Brgy. Balungao ang isa sa mga palaging pinupuntahan ng mga tao sapagkat ito ang sentro ng bayan, kaya rito isinagawa ang paglilinis upang mapanatili ang sanitasyon sa paligid lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Maaga pa lamang ay nagtungo na ang mga kaanib ng INC sa dako na lilinisin dala ang mga gamit panlinis.

Buong puso namang nagpasalamat ang mga opisyal at mga residente sa bayan ng Calumpit sa aktibidad na ito ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.

Ulat ni Jinkee Ann Paguio

Please follow and like us: