Clearing operations ng Department of Agriculture sa mga lugar na tinamaan ng bird flu virus pinaapura ng Malakanyang

Inatasan ng Malakanyang ang Department of Agriculture na bilisan ang isinasagawang clearing operations sa mga lugar na tinamaan ng bird flu virus outbreak sa lalawigan ng Pampanga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella malaking dagok sa poultry industry ang pagkakaroon ng bird flu outbreak sa bansa.

Ayon kay Abella kung mabilis na mareresolba ang problema mababawasan ang pagkalugi ng mga nasa poultry industry.

Inihayag ni Abella na handa ang pamahalaan na tulungan ang poultry industry para mapanatiling matatag ang supply ng poultry products sa bansa.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *