Clearing operations sa mga illegal vendor isinagawa sa Biñan, Laguna

Mas lalong pina-igting na ang clearing operation sa mga illegal vendors na sumasakop sa kahabaan ng J. Gonzalez St, Bgy. Poblacion, Binan City, Laguna.

Sa kautusan ng Alkalde ng Pamahalaang Lungsod, Mayor Arman Dimaguila , Jr. agad inaksyunan sa pangunguna ni Boyet Santos , Head ng Peace Order and Safety Office (POSO) kasama ang City Marshals,
at Binan PNP ay inumpisahan na ang nasabing clearing operations.

Matagal na rin itong pinakiusapan na umusog o umayos ngunit lalong dumadami ang mga ito, kung kaya’t nagiging sanhi ito ng pagsisiskip ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Layunin din nitong ayusin ang mga gilid ng kalsada para sa sidewalks at linisin upang isaayos na rin ang mga drainage pipes upang iwas baha na rin.

Ang kahabaan ng J. Gonzales St. ay isa sa mga pangunahing daan papuntang Poblacion Plaza na kung saan nandoon sentro ng Pamilihang Bayan at ilang mga establisyemento.

Ulat nina Wilson & Jackie Palima

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *