Close van, sumalpok sa mga barrier sa Ortigas flyover; Kasunod na Urban van, di rin nakaiwas bumangga

Photo: MMDA

Photo: MMDA

Isang close van na may plate number CAM  5153 ang bumangga sa bus lane  barriers sa Ortigas  flyover sa EDSA  kaninang  bandang alas 5:16 ng umaga.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson  Asec. Celine Pialago, sobrang bilis o “ overspeeding “  ang nasabing close van nang biglang mabulaga ang driver hanggang sumalpok na ito sa nasabing mga barrier.

Kasunod naman ang isang Urban van na mabilis din kaya hindi na rin ito nakaiwas na bumangga naman sa sinusundan niyang close van.

Nakilala ang driver ng close van na si Isidro Macabingkil Caliwan ng 67 Yale St., Camp Aguinlado, Quezon City.

Agad rumesponde ang MMDA enforcers at ambulansiya.

Isa ang sugatan na dinala na sa ospital habang napinsala naman ang 6 na concrete barrier, isang plastic barrier at isang Solar Bollard.

Kasalukuyang naka-impound ang nasabing mga sasakyan habang patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Please follow and like us: