Cloud seeding operations sinimulan na sa Zamboanga City

ZAMBOANGA City, Philippines — Para mabawasan ang epekto ng El Niño phenomenon sa Zamboanga City, sinimulan na ang cloud seeding operations sa nasabing lungsod.

Ang cloud seeding na sinimulan kahapon ay tatagal hanggang ngayong araw. Ang Zamboanga City ay matatandaang una ng isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding epekto ng El Niño na nararanasan sa lungsod.

Samantala, isang mobile water treatment facility naman mula sa local water utilities administration ng lungsod ang ipinadala na sa mga komunidad na may kakulangan ng inuming tubig dahil parin sa dry spell.

Please follow and like us: