Coaching at mentoring program ni MMDA Special Operations Group-Strike Force head Gabriel Go, nagsimula na

Courtesy: MMDA
Nagsimula na ang unang araw ng coaching and mentoring program ni MMDA Special Operations Group-Strike Force Head Gabriel Go.

Courtesy: MMDA
Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, na sumailalim si Go sa tinatawag na “mentorship coaching on traffic management,” na nakatuon sa pamumuno, kagandahang-asal, disiplina, stress at anger management.
Sinabi ni Artes na ang hakbang ay para sa self-improvement ni Go bilang pinuno ng SOG-SF.

Courtesy: MMDA
Tatagal ng limang araw ang nabanggit na mentorship training sa ilalim ng pangangasiwa ni Edison Nebrija mula sa MMDA Traffic Education Division.
Earlo Bringas