Coastal Clean-up Drive, isinagawa ng local government ng Baler

Nagkaroon ng clean-up drive sa kahabaan ng Sabang Beach, sa Barangay Sabang, Baker, Aurora. Bahagi ito ng regular na programang pangkapaligiran ng Pamahalaang Munisipal ng Baler.

Ilang ahensya ng pamahalaan, kasama ang mga local government unit (LGU) at unipormadong tauhan ang sumuporta sa kampanya at masigasig na lumahok sa nasabing aktibidad, upang maisaayos ang baybayin ng Baler.

Kabilang din sa mga nakiisa ay ang Aurora Tourist Police Unit sa pangunguna ng supervisor na si Police Lieutenant Regan D. Lopez at ang Provincial Director, Police Colonel Raul C. Siriban.

Natuwa at nagpasalamat naman ang mga taga-Sabang sa suporta ng gobyerno, sa pagpapanumbalik ng ganda ng kapaligiran at likas na yaman ng kanilang lugar.

Ulat ni Pauline Marie Villamar

Please follow and like us: