Coldplay band, nagpasalamat sa kanilang Pinoy fans

Pinasalamatan ng British band na Coldplay ang mainit na pagtanggap sa kanila ng Pinoy fans sa ginawa nilang one night concert kagabi.

Mahigit na 30,000 fans ang nakipagsaya sa naturang konsiyerto.

Ayon sa frontman na si Chris Martin na kakaiba ang kanilang experience dito sa bansa at naging sulit ang kanilang performance.

Hindi rin nito  itinanggi na muli silang babalik para makapagtanghal muli sa bansa.

Bago ang konsiyerto sumakay ang banda sa jeepney patungo sa concert area at nagbisikleta naman sa concert ground ang kanilang lead vocalist.

Maraming local artists din ang namataan na nakibahagi sa nasabing konsiyerto.

 

Please follow and like us: