Comelec magsasagawa ng Register Anywhere site sa GSIS office sa Pasay

Magandang balita para sa ating mga kababayan na gustong makapagparehistro para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre pero nandito sa Metro Manila.

Dinagdagan kasi ng Comelec ang kanilang Register Anywhere sites.

Ngayong araw lumagda ang mga opisyal ng Comelec at Government Service Insurance System o GSIS sa isang kasunduan para maging RAP venue rin ang GSIS main office sa Pasay City.

Para sa mga kababayaran nating interesadong magparehistro bukas ang GSIS RAP site mula ngayong araw Enero 10 hanggang 13 at 16 hanggang 20 mula 8am hanggang 5pm sa GSIS gymnasium financial center.

Bukas ito sa mga empleyado ng GSIS at maging sa publiko.

Maliban rito, tuloy parin naman ang registration sa iba pang RAP sites sa Metro Manila:
SM Mall of Asia
SM Fairview
SM Southmall
Robinson’s Place Manila
Robinson’s Galleria

Habang sa RAP Region 5 ay sa:
SM City Legazpi sa Albay
Robinson’s Mall Naga

At sa Region 8 naman ay sa Robinson’s Mall Tacloban.

Ginagawa naman ang registration sa mga nasabing lugar tuwing Sabado at Linggo hanggang Enero 31.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *