Publiko puwede na ulit kumuha ng voter’s certification sa Comelec main office

Inanunsyo ng Commission on Elections na puwede na ulit kumuha ng voter’s certification sa kanilang main office sa Intramuros, Maynila.

Kabilang sa requirements ay magprisinta ng isang valid ID at photocopy nito.

75 pesos ang bayad sa voter’s certification.

Libre naman ang pagkuha para sa mga senior citizen, persons with disability, indigenous peoples at miyembro ng indigenous community at solo parent.

Matatandaang itinigil pansamantala ng Comelec ang pagbibigay ng nasabing serbisyo matapos magkaroon ng sunog sa kanilang gusali.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: