Comelec may ilang paalala sakaling tumakbo sa Presidential race si Mayor Sarah Duterte bilang substitute candidate

Tatanggapin umano ng Commission on Elections si Davao City Mayor Sara Duterte bilang substitute candidate ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na kumakandidato sa pagka-Pangulo para sa 2022 elections.

Pero ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangang magawa ang substitution hanggang sa Nobyembre 15.

Kailangan din aniyang maghain ni Mayor Sara ng Certificate of Nomination mula sa parehong partido na nagbigay ng CONA kay Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay tumatakbo sa pagka Pangulo sa ilalim ng PDP-Laban.

Kung sakaling sumabak nga sa Presidential race si Mayor Sarah, paalala naman ng Comelec sa hahalili sa Alkalde bilang kandidato naman sa mayoralty race sa Davao City na dapat ito ay mula sa kaparehong partido ni Mayor Sarah.

Madz Moratillo

Please follow and like us: