COMELEC, tuloy ang paghahanda para sa Barangay at SK elections

Hindi pa rin itinitigil ng Commission on Elections ang paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.

Sa kabila ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na plano niyang muling ipagpaliban ang nasabing halalan sa halip ay magtatalaga na lang ng mga uupong opisyal ng Barangay.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, bagaman hindi ipinagbabawal, malinaw ang itinatadhana ng Konstitusyon na kailangan ng batas para muling maipagpaliban ang nasabing halalan.

Kasunod nito, nanawagan si Bautista sa mga Kabataang may edad kinse (15) hanggang diesi siete (17) na magparehistro sa itinakdang petsa para mabigyan ng pagkakataong makaboto.

Please follow and like us: