COMELEC umapela rin sa publiko para sa SIM registration

Nakiisa ang Commission on Elections (COMELEC) sa panawagan sa publiko na magparehistro ng kanilang SIM card.

Ngayong Martes, April 26, ang nakatakda sanang deadline para sa mandatory SIM registration ngunit pinalawig ito ng 90 pang araw.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia malaking tulong ang pagre-rehistro ng SIM para maiwasan ang pagkalat ng mga fake news lalo’t patungkol sa eleksyon.

Maging pagkakaroon ng mga trolls na karaniwang nagagamit tuwing halalan ay posible rin aniyang mapigilan dahil sa SIM registration.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *