Command Center on National TV, suportado Ng OCTA Research Group

Sumasang-ayon si Professor Ranjit Rye Ng Octa Research Group sa mungkahing pagkakaron Ng Command Center sa National TV gaya ng binanggit ni Dr. Tony Leachon sa panayam ng Radyo Agila.

Ayon Kay Professor Rye, dapat na magkaron ng direksyon at mga kaparàanan kung paano pa maibaba ang mga nagpopositibo sa Covid-19.

Malaking tulong aniya na may magpapahatid ng impormasyon kung ano ang mga dapat gawin kapag may nagka-Covid sa bahay, sino ang pwedeng tawagan lalo na nga’t sa sitwasyon ngayon na punuan na ang mga ospital.

Makabubuti rin aniyang magkaron ng mga palabas ang gobyerno tungkol sa Mental wellness.

Julie Fernando

Please follow and like us: