Community pantry at panTREE, inilunsad sa Quirino

Maayos na pinilahan ng mga tao ang inilunsad na “Community Pantry at PanTREE” sa bayan ng Diffun sa Quirino, na pinangunahan nina Sangguniang Bayan member Atty. Ma.Karen Guillermo, at Board member Marlo S. Guillermo.

Bukod sa grocery items, gamot, toiletries, gulay, prutas at bigas ay mayroon ding mahogany seedlings na ipinamigay, upang maitanim ng mga tao sa kanilang mga bakuran.

Ang inisyatibong ito ay naging matagumpay dahil sa pakikibahagi ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, organisasyon at pribadong tao.

Ulat ni Edel Allas

Please follow and like us: