Condonation sa halos ₱13B hindi nababayarang irrigation fee ng mga magsasaka sa NIA, Isinulong sa Senado
Hindi na babayaran ng mga magsasaka at mga farming cooperative ang kanilang outstanding irrigation service fee o isf sa National Irrigation Authority o NIA.
Ito’y kung maipapasa ang Senate Bill 1412 na inihain ni Senador Sherwin Gatchalian na layong huwag nang singilin ang mga hindi nababayarang irrigation fee ng mga magsasaka.
Ayon kay Gatchalian, dapat tulungan ng gobyerno ang mga kapos palad na magsasaka lalo na ang mga wala namang pag-aaring lupa.
Paalala ng Senador ang mga magsasaka ang backbone ng sektor ng agrikultura kaya dapat lang na mabigyan sila ng ayuda ng gobyerno.
Sa ngayon, umaabot na sa13 billion pesos ang pagkakautang ng mga magsasaka sa irrigation service fee.
Ulat ni: Mean Corvera