Confirmed cases ng COVID-19 sa Gen. Trias sa Cavite, higit anim na libo na

Photo: city of general trias_fb page

Umabot na sa 6,031 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Gen. Trias City sa Cavite.

Ito ay matapos na makapagtala ang City Epidemiology Unit, ng 11 panibagong aktibong kaso ng virus sa lungsod.

Samantala, 5,727 naman ang nakarekober na, habang 108 ang nasawi.

Isa sa mga tinitingnang dahilan ng mga opisyal ng lungsod kung bakit tumataas ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa lungsod, ay ang hindi pagsunod ng publiko sa mga ipinatutupad na protocol ng pamahalaan lalo na ang tamang pagsusuot ng facemask at faceshield.

Dahil dito ay inatasan na ng mga opisyal ng lungsod at city health office ng General Trias, na paigtingin ng mga otoridad ang pagpapaalalala sa publiko ukol sa tamang pagsunod sa health protocol na ipinatutupad ng pamahalaan.

Jet Hilario

Please follow and like us: