Construction site sa Mandaluyong city, nasunog

Tinupok ng apoy ang construction site na pagmamay-ari at katabi ng SM Megamall sa Mandaluyong city kagabi.

Pasado alas- siyete ng gabi ng magsimula ang sunog sa lugar pero makalipas ng 30 minuto kaagad itong inakyat sa ikatlong alarma.

Ilang mga serye ng pagsabog  ang narinig mula sa basement 2 tower 1 construction site ng SM Megamall.

Umabot pa ang kapal ng usok hanggang sa mismong kalsada sa harapan ng mall.

Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, nagmula ang sunog sa mismong barracks ng mga trabahador sa construction site.

Kaagad namang nailikas ang lahat ng mga trabahador sa construction site kung kayat wala namang napaulat na casualty maliban nalang sa isa na isinugod sa ospital dahil sa nahirapan sa paghinga dala ng makapal at maitim na usok.

Dahil sa nangyaring sunog ipinatigil muna ang construction sa site habang umuusad ang imbestigasyon ng BFP.

1:30 ng madaling araw  idineklara ding fireout ang sunog sa lugar na tumagal ng halos anim na oras.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *