Consular offices ng DFA na nagsara dahil sa Typhoon Ompong, balik-operasyon na ngayong araw

 

Magbubukas na ngayong araw ang mga Consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naapektuhan ng bagyong Ompong.

Ayon sa abiso ng DFA, ang lahat ng Passport applicants na mayroong kumpirmadong appointments mula September 13 hanggang 15, 2018 sa sumusunod na consular offices ay ia-accommodate mula September 17 hanggang 28.

  • DFA Aseana
  • DFA NCR West – SM Manila
  • DFA NCR Northeast – Ali Mall
  • DFA NCR South – Alabang
  • DFA NCR North – Novaliches
  • DFA NCR East – SM Megamall
  • Angeles, Pampanga
  • Baguio city
  • Calasiao, Pangasinan
  • San Fernando, Pampanga
  • San Fernando, La Union
  • Santiago, Isabela
  • San Nicolas, Ilocos Norte
  • Tuguegarao, Cagayan

Pinayuhan ang lahat ng aplikante na dalhin ang print-out ng kanilang confirmed online appointments.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *