Consular services ng U.S. Embassy sa Maynila, suspendido sa Lunes dahil sa bagyo

Nag-abiso ang U.S. Embassy na kanselado ang lahat ng consular services nito sa Maynila na naka-iskedyul sa Lunes, Setyembre 26 dahil sa masamang panahon dala ng Bagyong Karding.

Pinayuhan ng embahada ang mga may scheduled appointment bukas na hintayin ang abiso sa kanilang email ukol sa bagong petsa para sa American Citizen Service o sa immigrant at nonimmigrant visa appointments.

Para sa American citizens na may emergencies, maaari silang tumawag sa (02) 5301-2000.

Hinimok din ng U.S. Embassy ang mga American citizens na mag-enroll sa U.S. Department of State’s Smart Traveler Enrollment Program (STEP) para mas madali silang mahanap kapag may emergency.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.