Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjie Magalong, nagpositibo sa Covid-19

Sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post, inanunsiyo ni Baguio City Mayor at Contact Tracing czar Benjamin Magalong na nagpositibo siya sa Covid-19.

Ayon sa alkalde, lumabas ang resulta ng kaniyang RT-PCR test kahapon, April 2.

Dahil dito, sinimulan na rin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng opisyal.

Muling binigyang-diin ni Magalong na dapat seryosohin ng publiko ang paglaban sa Covid-19 dahil kahit sino ay maaaring mahawaan ng virus.

Please follow and like us: