“Cook and Share” program, inilunsad ng Taguig City

Naglunsad ang lungsod ng Taguig ng isang proyekto na tinawag nilang “Cook and Share” program.

Unang nakinabang sa programa ang mga kabataan mula sa Katipunan Daycare Center ng Barangay Western Bicutan.

Layon ng pamahalaang panglungsod sa pamamagitan ng nabanggit na programa, na maituro ang kahalagahan ng masustansiyang pagkain para sa kalusugan ng mga bata.

Sa mga susunod na araw ay magtutungo ang “Cook and Share” team sa iba pang mga Daycare Center, batay sa schedule na inilatag ng kanilang grupo.

Pinasalamatan naman ng local government officials ang mga social worker na sina Marcela Agoncillo at Salome Balino, maging ang Parent’s Association President na si Jocelyn Torcino.

Virnalyn Amado

Please follow and like us: